Ano Ano Anglimang Tema Ng Heograpiya

Ano ano anglimang tema ng heograpiya

Answer:

Limang Tema ng Heograpiya

  • Lokasyon ito ay tumutukoy sa kinaroroonan  ng mga lugar sa mundo na may dalawang  paraan sa pagtukoy:

Lokasyong Absolute -ginagamit rito ang  mga imahinasyong guhit tulad ng  latitude line at longitude line upang matukoy Ang lokasyon

Relatibong Lokasyon- Ito ay ang batayan  ay mga lugar na nasa  paligid nito.

  • Lugar- ito ay tumutukoy sa mga katangiang  natatangi sa isang pook. Ito ay may dalawang  paaran sa pagtukoy nito :
  1. Katangian ng kinaroroonan tulad ng   anyong lupa at tubig, klima at likas  na yaman.
  2. Katangian ng mga taong naninirahan  tulad ng wika, relihiyon, densidad, kultura, at iba pa.

  • Rehiyon- ito ay ang Bahagi ng Mundo na  pinagsama o pinagbuklod ng magkakaparehas na kultural o pisikal na katangian.
  • Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran- Ito ay ang kaugnayan ng tao sa katangiang pisikal na taglay ng kaniyang  kinaroroonan
  • Paggalaw- Ito ay  ang paglipat ng tao mula  sa Pinagmulang lugar pa tungo sa ibang  lugar; kabilang din dito ang paglipat ng  mga bagay at likas na pangyayari.

May tatlong uri  ng distansya ang isang lugar :

  • Linear- Tumutukoy Kung gaano kalayo ang isang lugar.

  • Time- Tumutukoy Kung gaano katagal ang paglalakbay papunta sa lugar

  • Psychological- Tumutukoy Kung Paano tiningnan  ang layo ng isang lugar

#JuneChallenge


Comments

Popular posts from this blog

What Will You Do Should An Earthquake Happen?

Give Examples Of Factors That Directly Affect You And Their Possible Effects.